Tuesday, May 3, 2011

Introduction

Main Characters:

KHATE as JADE

JM as JMEA

REIN as CYRUS

DANIEL as PAUL

IKE as LAURENCE

Other Characters:

Kuya John as LEADER (ng black star)

Ate Thea as ATE JANUARY

Ate Khaye as MANAGER

Leo as LEO

Sheryl as RYL

Remy as REM

Renjee as ABARAI

Kenny as JIERO (kuyang maputi)

J-squad as Black Star

Dynamic as 5 star



Eto talaga yung pinaka "ano" ng kwento:  :)))

Si Ike ang nasa gitna.

Si Ike ay may gusto kay Khate, pero

si Khate ay may gusto kay Daniel

na pinsan ni Ike!

Si Ike ay nililink ni Rein kay Jm, pero

si Jm ay may gusto kay Rein

na kabarkada ni Ike!

Magulo ba? ahaha bahala na.. pero narito ang kwento ng dalawang babae na sina Khate at Jm.
Paano nga ba naging "ganun"???

Dito nagsimula ang kwento nila!!!!!!! :)))

CHAPTER 1: "JADE": Ikaw lang ang pinakamatagal na nagustuhan ko.

Main Cast: JADE

"Ikaw lang ang pinakamatagal na nagustuhan ko. Malapit ka ng umuwi! Sana malaman mo na talaga yung totoong nararamdaman ko sa'yo."

Settings: sa Siena

Gumising na ako para maghanda, ee may pasok pa kami. Pagpasok ko ng school, nabalitaan ko na magkakaroon ng dance contest, so ayon, naghanap ako ng mga ka-grupo ko para makasali dun, ee sa hilig ko ang pagsasayaw ee. Nabuo na yung grupo ko, kaso hindi rin nagtagal, umatras sila, hanggang sa ako na lang matira, nakakainis kaya yung ganun. Pero wala na akong magagawa, ayaw nila ee. Kaya para makasali ako, kailangan ko ulit maghanap ng panibagong kagrupo na willing magsayaw.

Settings: sa bahay

Kinausap ko si Manager. Nagtanong ako sa kanya kung saan pwedeng makahanap ng member na pwede kong isali sa dance contest. Nag-isip-isip si manager. Ee ka-batch niya si Ate January. Boyfriend niya si Leader na may mga kilalang dancer. So wala ng 2nd thoughts..!!! Tinext ko agad si Leader para matulungan na niya ako.

Jade: Hello po. Ako po si Jade. Kung pwede po magpaturo ng sayaw, and kung may mga gustong sumayaw para sa dance contest.

Nagreply naman si Leader ng ayos lang. So naka-sched na yun ng Sabado. Susunduin daw nila ako ng 3pm.
Ayos, edi mejo na-solve na yung para sa contest. (mejo lang)

*Saturday*

Sinundo na nila ako, so eto na. Nagparegister muna kami, para maging official contestant (malamang) :)). Papunta na kami sa Cuatro Cantos. Ee laging naka walking trip. So naka-LAKAD MODE kami.. xD

Pagpasok sa bahay, napansin ko kaagad si Paul. Naka-violet pa nga ee, ewww..! ahaha joke, pero natutuwa ako. Alam mo yung love at first sight?? Parang ganun yung nangyari. Lagi siya yung napapansin ko. Hanggang sa ma-develop yung feelings ko sa kanya. Meron na talaga akong nararamdamang kakaiba. Na hindi lang as friends yung tingin ko sa kanya.

*October 3, 2010*

Pinakilala na silang lahat sakin. Pero ayon, hindi na naalis sa isip ko si Paul. Pinapanuod ko sila habang nagpapractice. Pero habang pinapanuod samin yung sayaw nila, kay Paul lang ako nakatitig. Ewan pero sa kanya lang talaga ako nakatitig ee. Wala akong magawa. Pero syempre, dahil may sayaw din sila, kinausap na ako ni Leader na kung pwede, bukas na lang yung practice para sa sayaw namin, kasi tatapusin daw muna nila yung sayaw nila. Ayon, umuwi na kami.

Kinabukasan, as usual, may pasok. Pero ngayon, excited na akong umuwi, dahil ayon nga, may panibago na akong inspiration. Uwian na! Makikita ko na ulit siya. Makakasilay na naman ako! Yun yata yung pinaka nakaka excite na part ng araw ko,,, uwian,, para lang makita siya.. :)

Papunta na ulit kami ng Cuatro Cantos para sa practice. Lalo akong nae-excite habang papalapit na kami dun sa lugar na yun. Nandoon din classmate ko. Kasali pa nun si Leo.

Kaso eto lang, diba nga excited ako kanina? Nung andun na kami, mejo nadisappoint ako! As in disappointed ako! Bakit? Kasi wala siya dun! Wala yung inspiration ko dun! Nakakalungkot. So nung andun na kami, tinuruan na kami ng sayaw, (ee yun naman talaga yung ipinunta namin dun) :))

Uwian na. Pero nasa isip ko pa rin kung nasaan siya? Kung bakit wala siya dun. Yun lang talaga nasa isip ko nun.

Next day, daily routine. Malamang papasok na naman ako, malapit na uwian. Kahit papano nae-excite na ako, kasi baka this time, andun na siya. Baka makita ko na ulit siya! Kaso nung nagpapractice na kami, nakakalungkot pa rin dahil wala pa rin siya dun. Hindi ko pa rin siya nakikita.

Wednesday, nagpractice kami sa Kalayaan Park. Wala pa din siya. Kinabukasan ng umaga, kinausap namin si Leo kasi sumali siya sa singing contest ee kasali din siya sa dance contest, baka madisqualify pa kami. Masaklap yun. So nagdesisyon siyang umalis na lang kaya ayon, ako na lang yung natira. Tapos umuwi na kami. May pasok pa kasi kinabukasan.

Nagpapractice pa rin kami kahit gabi na. Nakakalungkot kasi wala pa ding silay. Kinabukasan, nasa Park ulit kami. Grabe, eto na nga! Biglang sumulpot yung apat! (Paul, Laurence, Cyrus and Rem). Tuwang tuwa ako kasi nakita ko na ulit si Paul, nakasilay na naman ako. Pero hindi ko pinapahalata.

Kinausap sila ng Leader ng 5 star. Pinagalitan sila kasi bakit nga daw hindi nagpapractice! Nga naman, bakit nga naman kasi? :)) Natatandaan ko pa nga yung favorite line ko ee:

"Bakit kapag nawawala yung isa sa inio, nawawala din yung tatlo?"

Ahaha, tama!


Kinausap kami, tapos nanuod kami sa contest, Black Hiphop yung sumayaw.

OCTOBER 9.

May parada nito nun ee. Pero hindi ako makakasama kasi ngayon na yung contest. Nagpaalam na rin ako kina Miss Pastrano and Miss Katty. Buti na lang pinayagan ako, kaya ayon, umalis na kami. Syempre, nag-aayos na rin ako, nagre-ready na kami. Kaso kinakabahan ako kasi wala pa sila, ee nasa kanila pa man din yung costume ko, buti na lang dumating si mommy, and may dala siyang pantalon. Pero ibang pantalon yun kasi nga nasa kanila pa yung pants namin. So ayon, nagstart na yung contest, kaso wala pa rin sila!!!! Ee nasa contestant # 2 na nung nagdatingan sila. Edi ayon, nagbihis na ako para ready na ako, kaso hindi na kami nakapag-blockings kasi pang # 7 kami ee. Then, dandararan! Tinawag na 5 Star, (kami yun!) After nun, so contented na kasi nakasayaw na kami, ee hanggang 25 yung contestant (sana) kaso biglang may humabol. yung Black hiphop. Hindi ko yun expected na andun sila, (sila yung kagrupo ko sana). Nakakainis lang nung lumabas na yung result, kasi naging luto yung contest. So in the end, nagpicture-taking na lang ang 5 Star. Napag-usapan na rin namin na may contest kinabukasan so umuwi na kami.

OCTOBER 10.


Nagpractice kami sa Kalayaan Park nung umaga para sa contest the same day. Umuwi kami after tapos bumalik ulit kami para sa contest proper. Pero, 5pm, nandun na kami! Tapos nakakayamot lang ee, kasi 9pm na nagstart yung contest mismo. So nagdasal muna kami tapos after mismo ng sayaw namin, pumunta kami sa gilid para panuorin yung video namin nang may biglang lumapit.

"Congrats! Ang galing niyo!" ^-^


Silang apat pala yun (Paul, Laurence, Cyrus and Rem). Hindi pa kami close nun aa! Tapos ayon, syempre sinabihan ako ni Paul ng "congrats", sabay shake hands! So tuwa much naman ako nun xD. May kasama pang "apir" yun.. :P Then after nun, umuwi na sila.

One week pahinga kami, tapos The next week, yun na yung 3rd week ko sa 5 Star. Nagpractice kami ng sayaw para sa 24, yung para sa Happy Science Sportsfest. 2 days yung practice ko nun tapos exam ng Thursday kaya hindi na ako nagpractice.

Settings: Volleygolf


24! Papunta na kami sa location. Nung sumayaw kami, mejo disappointed kami ng konti kasi konti lang yung nanuod pero masaya dahil swimming time. :)))

OCTOBER 31.

May Halloween Dance Contest sa SM. Nanuod kami ng pinsan ko at ni Manager. Pagkaharap ko sa likod, andun yung 5 Star, si lider lang yung wala, nanuod na lang kami. Tapos kasali pala yung Black Hiphop, panalo! 1st ang Phenomenal then 2nd ang 100% PNOY. Panalo na naman sila. So what's new? xD :))

Ito na nga, tinext ako ni choreo ng 5 Star, kung nasan daw kami, kasi may sayaw daw kami sa mamaya sa Cainta. What a coincidence! Nagsorry ako dahil di ako makakasayaw. Cainta yun ee. Sabi ko sasama na lang ako, manunuod. Pumunta kami nina Leader sa Cainta around 7. Nagkatoyoan pa sina Leader at Ate January. xD Tapos nun umuwi na kami. Pumunta kami sa Cuatro Cantos para sabihan sila 5 Star na wala namang sayaw dun, puro banda ang nandoon.

"Oy, Jade, hindi ka sumalang samin ahh."
"Sorry wala ako kanina ee"

Ayon nagpractice sila. Pumunta ulit kami sa Cainta. Nakita ko yung Black Hiphop dun. ^-^. Sumayaw sila kasama si Leader. Nanuod kami kasama barkada ni Manager. 3 na kami umuwi nun kaya pinagalitan na kami xD After nun 1 week na pahinga.

Pinakamasakit sa lahat, wala na nagtetext para magpractice, unti-unting humina yung 5 Star. Lumipat si Leader sa Black Hiphop dahil puro tambay sila. Kinausap ako na baka daw gusto ko lumipat, ilang weeks ko rin 'tong pinag-isipan. Hanggang sa ayun, sumali na ako sa kanila. Sinundo ako ni Leader kasama si Jerome. Pagkauwi ko, nandun sila, walking trip papunta ng Cainta. Pinakilala ako, wahaha. OK. Nanuod lang sa kanila tapos uwian na.

Tapos pumunta ulit kami ng Cainta, may dance contest. Ee napilayan si Leader, umuwi na kami, sayang hindi nakapagsalto. Ilang weeks din kaming naging part non, tapos ito pa, waiting lang pala ako kasi masyado pa silang marami.

Kinabukasan, sinundo ulit ako, pumunta ulit don. Audition ko na, kinakabahan ako. OK! Humarap kay Kuya Glenn, choreo nila. After sumayaw, ayon, tanggap na ako, pinaturuan na ako kay Leader. The next day, practice kina Leader na lang kami. Nalulungkot ako kasi di ko makikita si Ryouji, wahaha. Pero ok lang, wala pa ring tatalo. :P Practice kinabukasan.

Hanggang sa umalis na kami doon, kasi hindi na namin ma-take yung ugali ni Kuya Glenn. Hanggang sa wala na. At nagulat ako, may nagtxt, si Leader, punta daw ako sa kanila A.S.A.P dahil may sayaw daw kami. Dun nabuo ang Black Star:
Jerome-Jade-Jayjay-Leader-January-Tonton
Masaya kami. Tapos may sayaw sa Sta. Lucia

DECEMBER 20.

Pagdating namin don, kain muna kami xD Tapos ayon, pinatawag na kami. Masaya na kami nung una ng biglang:

"Hindi na kayomagsasayaw, may dancer ng sarili ang Sta. Lucia"

Nayamot kami ee. Dun na nila ako nakitang BADTRIP talaga. Tapos hinatid namin si Ate January sa school, edi apat na lang kami. Hindi nila ako makausap so umuwi na kami ng Taytay, sabi pa nga nila, ibibili daw nila ako ng HOTDOG. wahaha,, ngiti lang.. :P Tapos nagtumbling na lang kami. Umuwi na ako.

Kinabukasan, birthday ng friend ko, ee hindi ako makakapunta. Tapos sayaw namin ng 27 sa Sto. Niño, tahanan ng Black Star. Pagkatapos nun, dapat may sayaw kami ng Fiesta, hindi nga lang natuloy kasi naging busy ako. Nawalan ng practice, nagtxt sakin ang leader ng 5 Star (January na).

"Jade, salang ka samin, inaasahan ko yan"

Ouch! Ee may grupo ako. Hmm. Nakulitan ako, tutal wala namang practice pa ang Black Star, pumunta ako sa Cuatro cantos, ouch, wala si leader dun. Nagtxt sakin, nasa Sto. Niño gym daw siya. Pinagod pa ako!!! Pagpunta ko dun, sinalubong niya ako. Pinapanuod niya sakin yung sayaw, andun sila. Ee biglang may nagtxt.

"Jade, may ginagawa ka ba ngayon? Practice tayo" -Leader


Yamot! Di ba lagi na lang ganyan!?


Pinakamasaya sa lahat, may nakita ako papaakyat, syempre yung mukhang batang floodway agad yung nakita ko:


Paul-Rem-Dan-Cyrus-Jayjay-Laurence-Kyle


Masaya na sana na magiging kagrupo ko sila, BIGLANG:


"Pogi, aalis na kami hah, sorry"
"oh sige, umalis na kayo"
"Jade, tara na umuwi na tayo"


Umalis na kami. Pumunta ako kina Leader. Sinabi ko na sumali ako kina pogi pero umalis yung mga member kaya wala na din. Kinagabihan, humingi ng sorry si Rem kasi umalis daw sila. Ok lang, natulog na ako ng maaga.
Paggising ko, may 1 message received: "Hi :)" Ee wala akong load. Mga katanghalian pa ako nagpaload.

"Sino ka po?"
"Dannielink po."

waaaahhh!! Kilig much naman ako!! :))

"Musta po?
"Ok lang ^-^"

JANUARY 9.

Birthday ng pinsan ko, hindi ako nakapunta kasi journalism ang inatupag ko. May nagtxt sakin, si Rem, kung sasali daw ba ako sa kanila. Pumayag ako. Ee may practice ng 4, so sabi ko hahabol ako. Ee umulan, tinanong ko si Paul kung may practice pa. Ee ewan daw niya. Tapos sabi ni Rem, na wala ng practice, bukas na lang daw. Kinabukasan, magkatxt kami ni Paul, kamustahan.

L: Ano grupo mo?
J: Black Star po. Bakit, ikaw?
L: Black Star nadin po ako ee.
J: ahaha ganon. (kilig at tuwa much)

Pero akala ko loko lang niya yun, nalaman ko lang kay Leader na sumali nga siya. Hanggang sa naging busy na ko sa school. 3rd week na ng january. Galing kami ng SM, pumunta kami sa Nestor's so chibugan time! Pagpasok, waaahh!! Nandun sila.

"Oi, si Jade"

Kamustahan. Syempre nandun siya. Tapos mga 1 week nun, tinext ako ni Leader na may guesting daw kami, so pumunta ako, sayaw kami, tapos dumaan si Cyrus. Di ko pa siya kilala nun. Dahil parang di ko nakikita si Paul, nagtanong ako kung nasan na siya. Sagot naman ni Cyrus, na nasa Japan na siya nito lang January. Mejo na-heart broken ako nun. Ouch naman. Haiiys, tapos sabi nila, one month lang daw. Hanggang sa nagtxt sakin si Cyrus (actually hindi talaga kami close xD) Umabot sa point na niligawan niya ako. Syempre, hindi siya gusto ko dahil yung barkada niya diba.. :P Hanggang sa sumali na kong Supreme Silent with Jerzel. Napilay ako, badtrip, kung kelang practice na ako nung February 14. Nanuod na lang ako sa park, nagulat ako kasi nandun si Jerzel, nalaman kong umalis na pala siya ng Supreme Silent. Wahaha, how sad diba. Hanggang kinabukasan, nagtext sakin sila Cyrus, sali daw ako Men@work. Ayon, sumali ako, ahaha. Malapit na mag March.

Birthday na ni Manager. Nagprepare kami ng sayaw, mga bisita:
Laurence with Rem, Cyrus, Dan and James.

Nasa kusina ako, nagliligpit ng pumasok si Laurence, hindi ko pa siya ganun ka-close.

J: Oh, napapansin ko kanina pa, kaw lagi kumukuha ng tubig.
L: ah, ahaha, utusan ee
J: ah ganon ba, umiinom ka ba?
L: hindi ee
J: kaya naman pala..

lumabas, after 10 minutes, bumalik ulit siya sa loob:

J: kilala mo ba si Paul?
L: Ou naman, pinsan ko yun ee
J: pinsan mo siya?
L: (pinsan) [sa isip ko lang] ahaha, *biglang pumasok aso ko*

pinakain ko ng pansit with matching tinidor, sinubuan ko.

L: aso mo yan?
J: ou
L: mahilig ka pala sa aso, alam mo si Paul, nagka Siberian Husky yun.
J: oh talaga? alam mo ba, yun yung pangarap kong aso na magkaron.
L: ou, namatay nga lang kasi sanay sa lamig
J: ah ganon

Lagi na lang pumapasok sa usapan si Paul. Dito nagsimula pagkakaibigan namin ni Laurence.
Ang saya ng party, umabot ng 6 ng umaga with some Men@work. Hanggang sa nalaman ko kay Jordan na may sayaw pala ang Black Star so sumali kami. (yes, Black Star ulit with new members). Pero may times na namimiss ko yung dating grupo ^-^

MARCH 18.

Pumasyal sila Cyrus, Dan and James sa bahay. Gumagawa ako ng speech para sa debate. 5am na ako natulog. Grabe antok! Pag pasok sa school aa, debate na, after, bihis usherette naman sa graduation, after non, walang kain-kain, uwi agad, bihis guesting na namin non ee. Haiiyyss. Pagod much. Inaya namin sila Cyrus na sumali samin, sumali naman sila. Dumadami ang member ng Black Star, wow aa!

Meron pa!

Dan: Jade, ganda ng bracelet mo, diba may ganyan si Paul?
Leader: sabi pa nga nun ibibigay niya sakin yung ganyan niya.
Dan: Gusto ko pa nga niyan, akin na lang.
Jade: hindi pwede, ibibili na lang kita.
Cyrus: Alam mo, para kang si Paul, ganyang-ganyan.

(napangiti na lang ako nun)

Leader: Ou nga.

wahaha.. alam mo yung time na gusto mo na kalimutan dahil hindi mo alam kung babalik ba siya o hindi. Tsaka siya lagi napg-uusapan, haiisyyss, kaya lalong lumalalim ee..

MARCH 26.

Sayaw ulit, daming raket ng Black Star, sana hindi maubusan!

Graduation ni Abarai, pati na rin ng Ate niya, so may handaan sila nun.

AT DOON KO NA NA-MEET SI JMEA.

CHAPTER 2: "JMEA": Nandito lang ako, bakit hindi mo pa rin ako makita?



Main Cast: JMEA

"Nandito lang ako, bakit hindi mo pa rin ako makita? Bulag ka ba? Lagi kang isinisigaw ng puso ko! Bakit ba hindi mo marinig? Bingi ka ba? Bakit ba ang manhid mo? Dinaig mo pa yung mga bato!"

Settings: sa Bahay namin xD


Busy-ing BUSY naman kasi ako kakagamit ng computer ee. Inis na inis pa ako, dahil nakiki-agaw pa kasi kapatid ko, ee siya tong laging wala. Laging wala dahil sa practice daw ng sayaw! At dahil bakasyon naman, ano pang bago? EDI SUPER BORING!! Boredom is killing me! Edi lagi kong kaharap sina Facebook, Twitter, Tumblr, pati na rin si Youtube! Sila ang best friends ko ngayon! Walang kasama maggala ee, kaya hindi na dapat kayo magtaka kung bakit ako nakababad sa harap ng screen ng computer!

Gabi na.

Ee dahil nga taong bahay ako ngayon, wala akong kilala sa mga kasama ni Abarai, except kina Ate January at ni Leader. Yung dalawang lalaki, hindi ko kilala, hindi kami
 CLOSE! xD :))) Malay ko ba sa kanila. Ee nagcocomputer nga ako diba?? Eto namang si kuya, singit agad. Si kuyang naka eyeglasses! Gagawa pala sila nung design para sa costume nila so ayon, tumabi si kuyang nakasalamin sakin, para i-guide ako kung saang site ako pupunta. Eto namang si kuyang maputi, nagbiro agad!

Kuyang maputi: Oi, ikaw aa. Nagsisimula ka na naman sa babae.

*dedma* Bakit ko naman papansinin? Ee hindi nga kami close..??? xD ngiti na lang ako. Ee dahil matagal na rin naman akong nakatunganga sa computer, binigay ko na sa kanila yung pagkakataong gawin yung dapat nilang gawin. Mukha naman yatang walang kahihiyan si kuyang nakasalamin so feel at home siya. Ayon nagkakabiruan sa loob ng bahay. Kain dito. Tapos ee gabi na, so uwian na!

Settings: Sto. Niño Gym


So dahil na-meet ko na rin naman yung mga members, hindi na ako ganung mahihiya sa kanila. Niyayaya na rin ako ng kapatid ko na sumama kapag may practice sila. Nagpromise na rin naman ako kay Ate January na sasama ko. Para bawas boredom na rin. Atleast umaalis na ako ng bahay! :)) May practice sila sa gym. So ito yung 2nd time na mami-meet ko ulit sila. So habang break time nila, kami naman yung sumasayaw. Hoot. Lucifer. BLEEDING LOVE! Ee alam pala ni kuyang nakasalamin (Cyrus) yung dance routine nun. So sumabay siya, ee couple dance yun. Dahil hindi pa kami ganung magkakilala, hindi kami naghahawak ng kamay para sa sayaw na yun or kahit anong may skinship. Eto namang isang grupo na to (Black star) ee nag-asaran. Inaasar na kaming dalawa ni Cyrus kaya tumigil na ako sa pagsayaw. Ee si kuyang maputi (Jiero) kinausap si Leader na isali na daw ako sa grupo nila, ee may potential naman daw ako. So nagdadalawang isip pa ako nun.........

Pero sa mga oras na yun, namumuo na yung feelings ko kay Cyrus. Lagi ko siyang napapansin. Laging nasa kanya yung mga mata ko. Hala!!! Ano to??


Settings: Random (sa venue, sa bahay)

........Lagi na akong kasama kapag may practice sila. Kasama rin ako nung sa sayaw nila sa elimination day. Ee ako may hawak ng costume niya. (Umamin na ako kay ate january nito, dahil baka sumabog ako kapag hindi ko sinabi) so nung andun na kami sa venue, ako nagbigay sa kanya nung costume. Iba na yung tingin ko sa kanya, parang gusto ko lagi ko siyang kasama. Nakakaramdam na rin ako ng selos. Hanggang sa masabi ko na sa sarili ko na may gusto na talaga ako sa kanya. Matangkad pa siya. Ee attracted ako sa ganun. Tsk.
Kapag nasa bahay namin siya laging feel at home. Kaibigan niyang tunay yung salamin na malaki. xD


Settings: Ate January's House

May araw na nakumpleto kaming 7. Dun kami lahat kumain. Tapos binubulungan na ako ni Leader na parang may gusto din daw sakin si Cyrus. Pero ayokong umasa kasi mahirap na. Tapos dun nila nakikita sa kilos niya. Lagi niyang hinihiram yung cellphone ko. Minsan nga nagvovolunteer na siya na yung magte-txt gamit cp ko. So iba tingin nina Leader sakin. Tapos laging ako yung trip na tignan ni Cyrus nun. Next destination namin after dun is sa bahay namin.. xD

Settings: sa bahay ulit namin xD


Dahil gusto ko ng mag-cr, nauna na akong pumasok sa bahay, hindi yata ako napansin ni Cyrus, kaya habang nasa cr ako, pagpasok palang niya sa bahay, ako daw agad hinahanap niya. So dagdag kilig moments yun.

*spin the bottle*


1st: kami-kami lang nina Ate January, Leader, Jade, Abarai, at ni Manager.
Dun na nalaman ng lahat na may gusto na ako kay Cyrus.


2nd: buong blackstar dance crew, ako naman soon-to-be.. xD
biglang na-open yung tanong na about sa crush ko sa grupo, yun yung 1st question, tapos nagtanong si Cyrus, kung may boyfriend na daw ba ako, so syempre, anong iisipin ng isang babae kung tinanong siya ng lalaki ng ganun, (yung common conclusion aa). Throughout the whole game, nakikita ko kay Cyrus na curious siya about sa crush ko....then uwian na.


Settings: Happy Science


Magkakakasama kami nina Ate January, Leader and ni Cyrus dun. Si Cyrus magpapamember, ako naman, ayoko pa. That time, may ginagawa si Ate January, magka-usap sina Leader at Cyrus, ako naman kausap ko yung isang friend namin dun. Ee nakalaptop kami, biglang sumitsit sakin si Cyrus kasi 2 yung kinuha niyang membership form. Pero ayoko pa talaga that time. After niya magsagot, bigla niya akong hinatak sa braso papunta dun sa table para makapagsulat na rin ako, tapos ayon binantayan ako saglit. Tapos after kami i-confirm. May picture taking pa yan, hindi kasi namin mejo naintindihan yung hapon na ipakita namin yung isang book na hawak namin. Akala namin yung nasa table xD. Pero eto yun ee, nung magpapalit kami ng pwesto. Hinawakan niya ako sa balikat tsaka siya lumipat sa kaliwa ko, (from kanan ko). Oh diba. Tapos lagi kaming magkakasama. Halos araw-araw since nung una kong pagsama sa kanila. :)

Settings: ICBC Bank near Palmera II: Alay lakad


Magkakasama kami, akala ko pa nga hindi makakasama si Cyrus ee. Tapos ayon, habang naglalagay kami ng tubig, magka-usap kami ni Leader, pero nagpaparinig na rin siya. Tapos dun na rin laging nasasabi yung word na "MANHID". And oo nga pala, laging nasa kanya yung cellphone ko. Parang sa kanya na nga ee. :P Dun na rin pala ako nagstart na magpractice, kasi ako na yung sasalang sa grandfinals. Nakita na pala ni Cyrus yung wallpaper kong may letter "R".

Settings: sa bahay namin (as usual)


Parehas kasi kaming nagtataekwondo ni Cyrus so nagkakasundo kami sa ganun. Minsan pa nga nagyayaya yun ng sparring ee. Nagstart yun nung nag-overnight ang Black Star sa bahay.  Edi nilalabas ko yung armor and gears ko. Tapos meron pa one time. Katulad nga nung nasa Happy Science kami, this time, dun naman sa malapit sa kamay niya ako hinawakan, bago mag-wrist, basta ayun, parang pababa, tapos kapag nag-i-sparring kami, kailangan talaga may shake hands, so dun ko nahahawakan yung kamay niya. 2 times pa nga ata ee, kasi 2 times din siyang nagyaya na maglaban nga kami. Ang unforgettable ee yung magkakasama kami nina Jade. Nagyaya siya magsparring. Ee diba nga matangkad siya? So mahaba yung paa niya. Ee napunta sa point na nasipa niya ako outside my armor, so natamaan ako sa bandang likod, ee hindi ako makaganti sa kanya, sa taekwondo kasi meron nung lalapitan mo yung kalaban mo para na rin makapagpahinga or para makakuha ng tyempong makatira. Edi lumapit ako sa kanya, pero imbis na sipain ko siya or whatever, pinalo ko na lang siya sa likod ng 3 beses ata yun.. xD So kinikilig naman samin si Jade. Meron pa, pinariringgan na siya ni Jade. Nag-ba-bike kasi si Cyrus sa loob ng bahay namin, so sabi ni Jade, na baka makabangga siya, baka makabangga siya ng puso! Nagtanong naman si Cyrus kung kaninong puso. Tapos ayon, tumahimik na lang kami, pero natatawa kami. Tapos sabi ni Jade turuan daw ako ni Cyrus ng steps, pero honestly, kabisado ko na talaga. This time, hinawakan ako ni Cyrus sa wrist. Grabe, ang haba naman ng braso ko, bakit doon pa! xD

Settings: Ate January's House


Kanya-kanyang life kami nito nun. Magkakausap kami nina ate January at ni Leader, hanggang sa mapunta saking lovelife ang topic. Wallpaper ko nun yung may name ni Cyrus. Tinawag ni Leader si Cyrus para ipakita yun, nung una hindi niya nabasa hanggang sa mabasa na niya. After nun, kinausap na siya ni Leader about sa feelings ko sa kanya, na hindi yun crush lang, pero MORE THAN CRUSH! Iba yung ngiti niya nun hanggang sa makauwi na siya.

*pero
 HONESTLY, i'm looking forward for a positive result and positive response of Cyrus towards me. In short, hindi ko maiwasang hindi umasa.
ALAM NA NIYA! So ano pa maitatago ko. Pero isa lang talaga yung thorn sa aking love story, yung candidate # 12. Si Ryl. Mejo naunahan niya ako ee. BADTRIP!

Nga pala, bad news pala sakin yung nagkacellphone si Cyrus, buti na lang nasira agad! :)

Settings: sa bahay (again)


Nakilala ko si Laurence isang gabi sa bahay namin. Ayun, nakita niya yung kabaliwan namin ni Jade. Yung inspirations namin na nilagay naming wallpaper sa cellphones namin, ee nakita niya and take note.. magbabarkada sila!. Akala pa naman namin maitatago niya yun. Grabe! Kinabukasan, alam na agad ng lahat!. Dahil dun naging close kami ni Laurence.

Kinabukasan, nasa bahay kami nina ate January, tapos nababanggit namin ni Jade si Laurence sa usapan namin, ee naririnig ni Cyrus. And ayun,, inaasar niya ako kay Laurence!! Nabadtrip ako kasi,
 BAKIT NIYA AKO INAASAR SA IBA, EE SIYA YUNG TAONG GUSTO KO!!!!! Masakit yun sa part ko. :"(



Settings: Leader's house


May 4, 2011..!! Magkakasama kami nina Leader at ate January papunta sa tita nila, ee kasama din namin yung isang kapatid ni ate na may dalang bike. Nung pabalik na kami sa may bahay nina Leader, ako naman yung nakabike, angkas ko yung kapatid ni ate. Nung malapit na kami sa tapat ng bahay, nakita ko agad sina Cyrus, Laurence and Rem, kasama yung ibang dancer. Tapos nung kinausap ako ni Cyrus saglit, after nun, lumapit sakin si Laurence. Inaasar niya ako na kinikilig daw ako kay Cyrus. Mejo naging close na talaga kami ni Laurence these days. So puro kami practice ngayon. Ee pinapractice namin yung para sa guesting sa May 7. May part dun na super lapit sakin ni Cyrus, so nakatingin sakin si Laurence kapag andun na sa part na yun. Gabi na. So pagod kami, bumibili kami ni ate January ng maiinom, ee nakabili kami ng C2 na maliit. Last 2 na pala yun, biglang sumingit si Laurence, nagpapalibre, edi nilibre ko. Nature na sakin yun. Nakakahiya daw sabi niya, ee ok lang naman sakin. Ee wala na nga nung maliit so yung sumunod na size yung binili ko para sa kanya. Bigla siyang nagtanong sakin.


Laurence: Bakit ang bait mo sakin?
Jmea: Ee mabait naman talaga ako ee.. :P
Laurence: Ee bakit kay Cyrus hindi ka mabait?
Jmea: Mabait din ako sa kanya no, hindi lang halata.. :)) Tsaka ganito lang talaga kami kapag magkakasama nina Leader, minsan pa nga, nakaMcdo kami, libre lang yun. :P


Pero I wonder what was in his mind during that time. Baka kasi iniisip niya na may gusto ako sa kanya.. ahaha! Tapos nung pauwi na kami, so nagba-bye na kami, ee hindi naman nakatingin si Cyrus kaya kay Laurence na lang ako nagba-bye kasi siya yung nakatingin ee. Ee ililibre pala sila ni Leader so bumalik kami (magkakasama kasi kami nina Leader umalis). Ee nakaupo sila sa kalsada, so pagtayo nila.. ee naunang maglakad sina ate January, ang nakasabay ko, si Laurence! Tapos ayon parang super close kami that time. Bigla siyang kumapit sa bag ko, parang naghahalungkat ng makukuha. Ee nakuha niya agad yung bracelet na gift sakin ng lola ko, itatakas na niya sana, ee nahuli ko agad siya, and well, ganun kami sa HARAP ni Cyrus! So baka kung ano na naman ang isipin ni Cyrus samin ni Laurence, ee diba nga inaasar ako ni Cyrus kay Laurence. Tapos ayun, binilisan ni Cyrus yung lakad niya. Pero kami ni Laurence, ayun nag-aasaran pa rin. Kung tutuusin, mas close na kami ni Laurence in terms of conversations kesa kay Cyrus. Mejo lamang lang si Cyrus kasi lagi kaming magkakasama kapag may pupuntahan ang Black Star..

fact: Madali akong ma-fall sa isang guy na super close sakin, yung tipong nakukuha niyang makipagbiruan sa serious type of person na tulad ko. Kaya sana hindi ako matuluyan kay Laurence, dahil kay CYRUS ako!!!

Gusto ko si Cyrus, pero mas marami yung lokohan namin ni Laurence, and inaasar pa ako ni Cyrus sa kanya which is nakakabadtrip talaga. Ano kaya magiging ending ng magulo kong lovestory??


Settings: Leader's place (May 5, 2011)


Malamang may practice na naman kami! Ayon, pumunta samin sina Leader and Cyrus, para dun sa music na gagamitin namin sa May 7. Ee nag online si Cyrus. Nakalimutan kong i-log out yung account ko! Ee ang DP ko, yung magkatabi kami..!! waaaahh!!. Sana hindi niya nakita masyado. Tapos ayon so papunta na kami dun kina Leader. Nanghiram ako ng bike para mabilis. Tapos nakita ko na dun sina Laurence. Pero I have this feeling na, kinikilig ako kay Cyrus, pero sanay na akong lagi kaming magkakasama. Then, mas nae-excite akong makita si Laurence! Oh no! Wag naman sanang mangyari yung iniisip kong malipat kay Laurence yung feeling ko. Tapos ayon, sa kanya na ako madalas napapatingin. Syempre puro practice kami ngayon, so serious ako this time. Tapos napansin ko na lang sa sarili ko na, sa tagal kong naka serious face nung practice, nung napatingin lang ako kay Laurence, tsaka lang ako napangiti ulit! Waahh.. ano na 'to?? Tapos, nagkanya-kanya muna kami ngayon, kasi kailangan kong turuan yung isang girl na member namin. Tapos nakita ko Laurence papunta samin. Para manuod, pero hindi naman ako nailang nun. Natutuwa pa nga *yata* ako nun nung andun siya ee.. :) Tapos, so nagbreak muna kami. Kukuha na ako ng pera para makabili. Tapos nakita pala ako ni Cyrus, so ayon, nilapitan niya ako, tapos sabay hawak sa likod ko papunta dun sa tindahan. Ahaha, ano pa? edi nagpapalibre. :P Tapos bumili ako ng C2. Ee nakita ako ni Laurence, so kinuha niya sakin yung iniinom ko. Tapos ayon, humingi siya. Tapos nung lumapit ako kina Jade para panuorin yung practice nila, biglang kinuha ni Laurence yung C2 ulit. Tapos ayon, alam mo yung parang laro na, iaabot niya sayo tapos kapag kukunin mo na, bigla niyang iiiwas..?? Yown! Ganon! Ganun yung nangyari samin kanina. Tapos ee nakita pala kami ni Jade. Bigla niyang sinabi na ang dami na daw ng langgam! Ee andun din si Rem! Pati si Rem napatingin samin dahil dun sa sinabi ni Jade, so parang iba na nasa isip ni Rem. Tapos, meron pa, yun bang parang inaasar niya ako, taekwondo daw ako, tapos karate siya, tapos hinamon niya ako,, xD Tapos pinapalo palo niya ako sa likod pero mahina lang, parang palong bakla? na comedy,, basta ayun!! :)) Ilang beses yun, parang nagpapahabol sakin, ee nakatingin samin yung isang member dun, nakow! Baka iba na rin iniisip nun.. Tsk!Tapos ayun, umalis si Laurence kasi tinawag siya nung isang member. Tapos napaisip ako, na parang,,,,, na parang nadedevelop na rin ako sa kanya..!! hala!! pero kinikilig pa rin ako kay Cyrus!!  Ano na to?? Nahahati na ba sa dalawa yung feelings ko? Tapos ayon, hindi ko rin naiwasang hindi ipag-compare yung dalawa. Mas close kami ni Laurence ngayon. Tapos nung pauwi na, magkakasama kami, ee napag iiwanan kami nina Ate January at Jade sa likod, pati na rin si Laurence. Tapos may plano pala si ate, bigla niyang parang hinila si Jade, para maiwan kami ni Laurence sa likod! Kaya pala! Tapos ayon, hanggang sa makauwi na kami, siya yung unang nagbye samin. Atleast hanggang sa makauwi, na-feel ko yung concern nilang DALAWA ni CYRUS at LAURENCE!

Author's expectation: #1: maa-appreciate din ni Cyrus yung feelings ko sa kanya, na magreresponse yun in return. And yung tipong mafu-fulfill namin yung truth na "the greatest thing on earth is to LOVE and BE LOVED in RETURN".

#2: as usual, ako naman ay mabibigo sa love.. :( haiyyysss,, kelan kaya magiging successful..??