Tuesday, May 3, 2011

CHAPTER 2: "JMEA": Nandito lang ako, bakit hindi mo pa rin ako makita?



Main Cast: JMEA

"Nandito lang ako, bakit hindi mo pa rin ako makita? Bulag ka ba? Lagi kang isinisigaw ng puso ko! Bakit ba hindi mo marinig? Bingi ka ba? Bakit ba ang manhid mo? Dinaig mo pa yung mga bato!"

Settings: sa Bahay namin xD


Busy-ing BUSY naman kasi ako kakagamit ng computer ee. Inis na inis pa ako, dahil nakiki-agaw pa kasi kapatid ko, ee siya tong laging wala. Laging wala dahil sa practice daw ng sayaw! At dahil bakasyon naman, ano pang bago? EDI SUPER BORING!! Boredom is killing me! Edi lagi kong kaharap sina Facebook, Twitter, Tumblr, pati na rin si Youtube! Sila ang best friends ko ngayon! Walang kasama maggala ee, kaya hindi na dapat kayo magtaka kung bakit ako nakababad sa harap ng screen ng computer!

Gabi na.

Ee dahil nga taong bahay ako ngayon, wala akong kilala sa mga kasama ni Abarai, except kina Ate January at ni Leader. Yung dalawang lalaki, hindi ko kilala, hindi kami
 CLOSE! xD :))) Malay ko ba sa kanila. Ee nagcocomputer nga ako diba?? Eto namang si kuya, singit agad. Si kuyang naka eyeglasses! Gagawa pala sila nung design para sa costume nila so ayon, tumabi si kuyang nakasalamin sakin, para i-guide ako kung saang site ako pupunta. Eto namang si kuyang maputi, nagbiro agad!

Kuyang maputi: Oi, ikaw aa. Nagsisimula ka na naman sa babae.

*dedma* Bakit ko naman papansinin? Ee hindi nga kami close..??? xD ngiti na lang ako. Ee dahil matagal na rin naman akong nakatunganga sa computer, binigay ko na sa kanila yung pagkakataong gawin yung dapat nilang gawin. Mukha naman yatang walang kahihiyan si kuyang nakasalamin so feel at home siya. Ayon nagkakabiruan sa loob ng bahay. Kain dito. Tapos ee gabi na, so uwian na!

Settings: Sto. NiƱo Gym


So dahil na-meet ko na rin naman yung mga members, hindi na ako ganung mahihiya sa kanila. Niyayaya na rin ako ng kapatid ko na sumama kapag may practice sila. Nagpromise na rin naman ako kay Ate January na sasama ko. Para bawas boredom na rin. Atleast umaalis na ako ng bahay! :)) May practice sila sa gym. So ito yung 2nd time na mami-meet ko ulit sila. So habang break time nila, kami naman yung sumasayaw. Hoot. Lucifer. BLEEDING LOVE! Ee alam pala ni kuyang nakasalamin (Cyrus) yung dance routine nun. So sumabay siya, ee couple dance yun. Dahil hindi pa kami ganung magkakilala, hindi kami naghahawak ng kamay para sa sayaw na yun or kahit anong may skinship. Eto namang isang grupo na to (Black star) ee nag-asaran. Inaasar na kaming dalawa ni Cyrus kaya tumigil na ako sa pagsayaw. Ee si kuyang maputi (Jiero) kinausap si Leader na isali na daw ako sa grupo nila, ee may potential naman daw ako. So nagdadalawang isip pa ako nun.........

Pero sa mga oras na yun, namumuo na yung feelings ko kay Cyrus. Lagi ko siyang napapansin. Laging nasa kanya yung mga mata ko. Hala!!! Ano to??


Settings: Random (sa venue, sa bahay)

........Lagi na akong kasama kapag may practice sila. Kasama rin ako nung sa sayaw nila sa elimination day. Ee ako may hawak ng costume niya. (Umamin na ako kay ate january nito, dahil baka sumabog ako kapag hindi ko sinabi) so nung andun na kami sa venue, ako nagbigay sa kanya nung costume. Iba na yung tingin ko sa kanya, parang gusto ko lagi ko siyang kasama. Nakakaramdam na rin ako ng selos. Hanggang sa masabi ko na sa sarili ko na may gusto na talaga ako sa kanya. Matangkad pa siya. Ee attracted ako sa ganun. Tsk.
Kapag nasa bahay namin siya laging feel at home. Kaibigan niyang tunay yung salamin na malaki. xD


Settings: Ate January's House

May araw na nakumpleto kaming 7. Dun kami lahat kumain. Tapos binubulungan na ako ni Leader na parang may gusto din daw sakin si Cyrus. Pero ayokong umasa kasi mahirap na. Tapos dun nila nakikita sa kilos niya. Lagi niyang hinihiram yung cellphone ko. Minsan nga nagvovolunteer na siya na yung magte-txt gamit cp ko. So iba tingin nina Leader sakin. Tapos laging ako yung trip na tignan ni Cyrus nun. Next destination namin after dun is sa bahay namin.. xD

Settings: sa bahay ulit namin xD


Dahil gusto ko ng mag-cr, nauna na akong pumasok sa bahay, hindi yata ako napansin ni Cyrus, kaya habang nasa cr ako, pagpasok palang niya sa bahay, ako daw agad hinahanap niya. So dagdag kilig moments yun.

*spin the bottle*


1st: kami-kami lang nina Ate January, Leader, Jade, Abarai, at ni Manager.
Dun na nalaman ng lahat na may gusto na ako kay Cyrus.


2nd: buong blackstar dance crew, ako naman soon-to-be.. xD
biglang na-open yung tanong na about sa crush ko sa grupo, yun yung 1st question, tapos nagtanong si Cyrus, kung may boyfriend na daw ba ako, so syempre, anong iisipin ng isang babae kung tinanong siya ng lalaki ng ganun, (yung common conclusion aa). Throughout the whole game, nakikita ko kay Cyrus na curious siya about sa crush ko....then uwian na.


Settings: Happy Science


Magkakakasama kami nina Ate January, Leader and ni Cyrus dun. Si Cyrus magpapamember, ako naman, ayoko pa. That time, may ginagawa si Ate January, magka-usap sina Leader at Cyrus, ako naman kausap ko yung isang friend namin dun. Ee nakalaptop kami, biglang sumitsit sakin si Cyrus kasi 2 yung kinuha niyang membership form. Pero ayoko pa talaga that time. After niya magsagot, bigla niya akong hinatak sa braso papunta dun sa table para makapagsulat na rin ako, tapos ayon binantayan ako saglit. Tapos after kami i-confirm. May picture taking pa yan, hindi kasi namin mejo naintindihan yung hapon na ipakita namin yung isang book na hawak namin. Akala namin yung nasa table xD. Pero eto yun ee, nung magpapalit kami ng pwesto. Hinawakan niya ako sa balikat tsaka siya lumipat sa kaliwa ko, (from kanan ko). Oh diba. Tapos lagi kaming magkakasama. Halos araw-araw since nung una kong pagsama sa kanila. :)

Settings: ICBC Bank near Palmera II: Alay lakad


Magkakasama kami, akala ko pa nga hindi makakasama si Cyrus ee. Tapos ayon, habang naglalagay kami ng tubig, magka-usap kami ni Leader, pero nagpaparinig na rin siya. Tapos dun na rin laging nasasabi yung word na "MANHID". And oo nga pala, laging nasa kanya yung cellphone ko. Parang sa kanya na nga ee. :P Dun na rin pala ako nagstart na magpractice, kasi ako na yung sasalang sa grandfinals. Nakita na pala ni Cyrus yung wallpaper kong may letter "R".

Settings: sa bahay namin (as usual)


Parehas kasi kaming nagtataekwondo ni Cyrus so nagkakasundo kami sa ganun. Minsan pa nga nagyayaya yun ng sparring ee. Nagstart yun nung nag-overnight ang Black Star sa bahay.  Edi nilalabas ko yung armor and gears ko. Tapos meron pa one time. Katulad nga nung nasa Happy Science kami, this time, dun naman sa malapit sa kamay niya ako hinawakan, bago mag-wrist, basta ayun, parang pababa, tapos kapag nag-i-sparring kami, kailangan talaga may shake hands, so dun ko nahahawakan yung kamay niya. 2 times pa nga ata ee, kasi 2 times din siyang nagyaya na maglaban nga kami. Ang unforgettable ee yung magkakasama kami nina Jade. Nagyaya siya magsparring. Ee diba nga matangkad siya? So mahaba yung paa niya. Ee napunta sa point na nasipa niya ako outside my armor, so natamaan ako sa bandang likod, ee hindi ako makaganti sa kanya, sa taekwondo kasi meron nung lalapitan mo yung kalaban mo para na rin makapagpahinga or para makakuha ng tyempong makatira. Edi lumapit ako sa kanya, pero imbis na sipain ko siya or whatever, pinalo ko na lang siya sa likod ng 3 beses ata yun.. xD So kinikilig naman samin si Jade. Meron pa, pinariringgan na siya ni Jade. Nag-ba-bike kasi si Cyrus sa loob ng bahay namin, so sabi ni Jade, na baka makabangga siya, baka makabangga siya ng puso! Nagtanong naman si Cyrus kung kaninong puso. Tapos ayon, tumahimik na lang kami, pero natatawa kami. Tapos sabi ni Jade turuan daw ako ni Cyrus ng steps, pero honestly, kabisado ko na talaga. This time, hinawakan ako ni Cyrus sa wrist. Grabe, ang haba naman ng braso ko, bakit doon pa! xD

Settings: Ate January's House


Kanya-kanyang life kami nito nun. Magkakausap kami nina ate January at ni Leader, hanggang sa mapunta saking lovelife ang topic. Wallpaper ko nun yung may name ni Cyrus. Tinawag ni Leader si Cyrus para ipakita yun, nung una hindi niya nabasa hanggang sa mabasa na niya. After nun, kinausap na siya ni Leader about sa feelings ko sa kanya, na hindi yun crush lang, pero MORE THAN CRUSH! Iba yung ngiti niya nun hanggang sa makauwi na siya.

*pero
 HONESTLY, i'm looking forward for a positive result and positive response of Cyrus towards me. In short, hindi ko maiwasang hindi umasa.
ALAM NA NIYA! So ano pa maitatago ko. Pero isa lang talaga yung thorn sa aking love story, yung candidate # 12. Si Ryl. Mejo naunahan niya ako ee. BADTRIP!

Nga pala, bad news pala sakin yung nagkacellphone si Cyrus, buti na lang nasira agad! :)

Settings: sa bahay (again)


Nakilala ko si Laurence isang gabi sa bahay namin. Ayun, nakita niya yung kabaliwan namin ni Jade. Yung inspirations namin na nilagay naming wallpaper sa cellphones namin, ee nakita niya and take note.. magbabarkada sila!. Akala pa naman namin maitatago niya yun. Grabe! Kinabukasan, alam na agad ng lahat!. Dahil dun naging close kami ni Laurence.

Kinabukasan, nasa bahay kami nina ate January, tapos nababanggit namin ni Jade si Laurence sa usapan namin, ee naririnig ni Cyrus. And ayun,, inaasar niya ako kay Laurence!! Nabadtrip ako kasi,
 BAKIT NIYA AKO INAASAR SA IBA, EE SIYA YUNG TAONG GUSTO KO!!!!! Masakit yun sa part ko. :"(



Settings: Leader's house


May 4, 2011..!! Magkakasama kami nina Leader at ate January papunta sa tita nila, ee kasama din namin yung isang kapatid ni ate na may dalang bike. Nung pabalik na kami sa may bahay nina Leader, ako naman yung nakabike, angkas ko yung kapatid ni ate. Nung malapit na kami sa tapat ng bahay, nakita ko agad sina Cyrus, Laurence and Rem, kasama yung ibang dancer. Tapos nung kinausap ako ni Cyrus saglit, after nun, lumapit sakin si Laurence. Inaasar niya ako na kinikilig daw ako kay Cyrus. Mejo naging close na talaga kami ni Laurence these days. So puro kami practice ngayon. Ee pinapractice namin yung para sa guesting sa May 7. May part dun na super lapit sakin ni Cyrus, so nakatingin sakin si Laurence kapag andun na sa part na yun. Gabi na. So pagod kami, bumibili kami ni ate January ng maiinom, ee nakabili kami ng C2 na maliit. Last 2 na pala yun, biglang sumingit si Laurence, nagpapalibre, edi nilibre ko. Nature na sakin yun. Nakakahiya daw sabi niya, ee ok lang naman sakin. Ee wala na nga nung maliit so yung sumunod na size yung binili ko para sa kanya. Bigla siyang nagtanong sakin.


Laurence: Bakit ang bait mo sakin?
Jmea: Ee mabait naman talaga ako ee.. :P
Laurence: Ee bakit kay Cyrus hindi ka mabait?
Jmea: Mabait din ako sa kanya no, hindi lang halata.. :)) Tsaka ganito lang talaga kami kapag magkakasama nina Leader, minsan pa nga, nakaMcdo kami, libre lang yun. :P


Pero I wonder what was in his mind during that time. Baka kasi iniisip niya na may gusto ako sa kanya.. ahaha! Tapos nung pauwi na kami, so nagba-bye na kami, ee hindi naman nakatingin si Cyrus kaya kay Laurence na lang ako nagba-bye kasi siya yung nakatingin ee. Ee ililibre pala sila ni Leader so bumalik kami (magkakasama kasi kami nina Leader umalis). Ee nakaupo sila sa kalsada, so pagtayo nila.. ee naunang maglakad sina ate January, ang nakasabay ko, si Laurence! Tapos ayon parang super close kami that time. Bigla siyang kumapit sa bag ko, parang naghahalungkat ng makukuha. Ee nakuha niya agad yung bracelet na gift sakin ng lola ko, itatakas na niya sana, ee nahuli ko agad siya, and well, ganun kami sa HARAP ni Cyrus! So baka kung ano na naman ang isipin ni Cyrus samin ni Laurence, ee diba nga inaasar ako ni Cyrus kay Laurence. Tapos ayun, binilisan ni Cyrus yung lakad niya. Pero kami ni Laurence, ayun nag-aasaran pa rin. Kung tutuusin, mas close na kami ni Laurence in terms of conversations kesa kay Cyrus. Mejo lamang lang si Cyrus kasi lagi kaming magkakasama kapag may pupuntahan ang Black Star..

fact: Madali akong ma-fall sa isang guy na super close sakin, yung tipong nakukuha niyang makipagbiruan sa serious type of person na tulad ko. Kaya sana hindi ako matuluyan kay Laurence, dahil kay CYRUS ako!!!

Gusto ko si Cyrus, pero mas marami yung lokohan namin ni Laurence, and inaasar pa ako ni Cyrus sa kanya which is nakakabadtrip talaga. Ano kaya magiging ending ng magulo kong lovestory??


Settings: Leader's place (May 5, 2011)


Malamang may practice na naman kami! Ayon, pumunta samin sina Leader and Cyrus, para dun sa music na gagamitin namin sa May 7. Ee nag online si Cyrus. Nakalimutan kong i-log out yung account ko! Ee ang DP ko, yung magkatabi kami..!! waaaahh!!. Sana hindi niya nakita masyado. Tapos ayon so papunta na kami dun kina Leader. Nanghiram ako ng bike para mabilis. Tapos nakita ko na dun sina Laurence. Pero I have this feeling na, kinikilig ako kay Cyrus, pero sanay na akong lagi kaming magkakasama. Then, mas nae-excite akong makita si Laurence! Oh no! Wag naman sanang mangyari yung iniisip kong malipat kay Laurence yung feeling ko. Tapos ayon, sa kanya na ako madalas napapatingin. Syempre puro practice kami ngayon, so serious ako this time. Tapos napansin ko na lang sa sarili ko na, sa tagal kong naka serious face nung practice, nung napatingin lang ako kay Laurence, tsaka lang ako napangiti ulit! Waahh.. ano na 'to?? Tapos, nagkanya-kanya muna kami ngayon, kasi kailangan kong turuan yung isang girl na member namin. Tapos nakita ko Laurence papunta samin. Para manuod, pero hindi naman ako nailang nun. Natutuwa pa nga *yata* ako nun nung andun siya ee.. :) Tapos, so nagbreak muna kami. Kukuha na ako ng pera para makabili. Tapos nakita pala ako ni Cyrus, so ayon, nilapitan niya ako, tapos sabay hawak sa likod ko papunta dun sa tindahan. Ahaha, ano pa? edi nagpapalibre. :P Tapos bumili ako ng C2. Ee nakita ako ni Laurence, so kinuha niya sakin yung iniinom ko. Tapos ayon, humingi siya. Tapos nung lumapit ako kina Jade para panuorin yung practice nila, biglang kinuha ni Laurence yung C2 ulit. Tapos ayon, alam mo yung parang laro na, iaabot niya sayo tapos kapag kukunin mo na, bigla niyang iiiwas..?? Yown! Ganon! Ganun yung nangyari samin kanina. Tapos ee nakita pala kami ni Jade. Bigla niyang sinabi na ang dami na daw ng langgam! Ee andun din si Rem! Pati si Rem napatingin samin dahil dun sa sinabi ni Jade, so parang iba na nasa isip ni Rem. Tapos, meron pa, yun bang parang inaasar niya ako, taekwondo daw ako, tapos karate siya, tapos hinamon niya ako,, xD Tapos pinapalo palo niya ako sa likod pero mahina lang, parang palong bakla? na comedy,, basta ayun!! :)) Ilang beses yun, parang nagpapahabol sakin, ee nakatingin samin yung isang member dun, nakow! Baka iba na rin iniisip nun.. Tsk!Tapos ayun, umalis si Laurence kasi tinawag siya nung isang member. Tapos napaisip ako, na parang,,,,, na parang nadedevelop na rin ako sa kanya..!! hala!! pero kinikilig pa rin ako kay Cyrus!!  Ano na to?? Nahahati na ba sa dalawa yung feelings ko? Tapos ayon, hindi ko rin naiwasang hindi ipag-compare yung dalawa. Mas close kami ni Laurence ngayon. Tapos nung pauwi na, magkakasama kami, ee napag iiwanan kami nina Ate January at Jade sa likod, pati na rin si Laurence. Tapos may plano pala si ate, bigla niyang parang hinila si Jade, para maiwan kami ni Laurence sa likod! Kaya pala! Tapos ayon, hanggang sa makauwi na kami, siya yung unang nagbye samin. Atleast hanggang sa makauwi, na-feel ko yung concern nilang DALAWA ni CYRUS at LAURENCE!

Author's expectation: #1: maa-appreciate din ni Cyrus yung feelings ko sa kanya, na magreresponse yun in return. And yung tipong mafu-fulfill namin yung truth na "the greatest thing on earth is to LOVE and BE LOVED in RETURN".

#2: as usual, ako naman ay mabibigo sa love.. :( haiyyysss,, kelan kaya magiging successful..??